ELOAD BUSINESS - Alamin ang Kagandahan Nito

Share:
Nauso na ngayon ang Electronic Loadin sa Pilipinas. Natandaan ko pa noong taong 2000, wala pang Smartload at Autoloadmax noon at mas lalo ng wala pa ang Xpressload. Nagka cellphone ako mga around 2001. Unang cellphone ko was 5110i, pero nong time na yon P6,000+ pa ang halaga ng cellphone na yon. Tanging ang ginamit namin para magload ay cards. P300 ang pinaka mababang halaga ng card kaya masakit talaga sa bulsa. No choice dahil wala namang ibang paraan. Kasagsagan na nauuso ang textmate kaya, malakas ang binta ng cards. Isa na din ako sa nagbibinta ng cards sa mga katrabaho ko.

Hindi nagtagal mga year 2004, kung hindi ako nagkamali lumabas na ang electonic loading na pwede kanang makabili ng load for as low as P30. Bumili din agad ako ng retailer sim sa Smartload. Mahal pa non ang sim, nasa P950 ata yon mag kasama ng P500 load. Malakas din ang binta ko sa aking mga katrabaho. Hanggang mag resign ako sa trabaho at magnegosyo nalang. E-Loading Business ang pinasukan ko at malakas talaga lalo na ang pwesto ko ay malapit lang sa terminal ng mga bus at tricycle sa bayan namin.

Di nagtagal nakabili ako ng Subdealer sim sa SmartLoad. Ibig sabihin meron akong mga retailers na regular nilo-loadan everyday. Malaki ang percentage commission namin noon hanggang binabaan pati retailers din binabaan. Nagkaroon na din ako ng Subdealer sim sa Autoloadmax. Umabot na sa more than 1,000 retailers ang naging suki namin. Dumami ng dumami ang mga retailers at talagang simula pa noon malakas na ang E-Loading business hanggang sa ngayon. Ano ba ang pwedeng kitain sa pagkakaroon ng E-Loading business?

1. Subdealer Sim.
Kung mayron kang ganitong sim galing sa Smart at Globe, pwede kang kumita ng 3-5 percent. Kung makakaubos ka ng at least 25,000 sa isang araw at ang commission mo ay 3%, pwede kang kumita ng P750 bawat araw. Ang ganitong kita ay makukuha mo kung meron kang around 100 retailers na magpapalod sa iyo bawat araw. Malaki ang kikitain mo na hindi mo na kailangan pang maghirap sa pagbibinta. Madaling ibinta ang e-load compared sa ibang commodities. Ang problema lang nito, wala ng bagong binibintang subdealer ngayon kaya pwede lang ito sa mga nakabuo na ng mga maraming suki at matagal na sa loading business.

2. Retailer Sim.
Ito ay isang sim card na mabibili mo sa mga subdealer store na malapit lang sa bahay nyo para madali din kayong makapag recharge ng inyong load. Sa ngayon mura nalang ang retailer sim. Sa halagang 250 - 600 pwede kanang magkaroon ng retailer sim at may free pa itong 150 free loadwallet na pwede mo na agad ibinta sa mga kapitbahay, kapamilya, kaibigan at mga katrabaho. Ang kikitain sa retailer sim ay 4.5% bawat load mo kay suki. Hindi kasama dito kapag meron kang addon sa bawat reload mo sa mga customers. Madali lang din ibinta ang load dahil madadala mo ito kahit saan dahil digital ito at nakasaksak lang sa iyong cellphone. Kapag dala-dala mo ang inyong cellphone, makakanegosyo kana kahit saan, kahit kailan. Kung makakabinta ka ng 3,000 ang kita mo ay 135 bawat araw. Kung tatlo ang hawak mong retailer, meron kang Smart, Globe at Sun pwede itong dodoble o maging triple pa.

3. Allnetwork Loading sim.
Sa loading business na ito, hindi mo na kailangan bumili pa ng bagong sim. Dahil ang gagawin dito, e-activate lang ang iyong existing sim para maging retailer at once activated na, makakanegosyo kana agad. Karamihan ang activation fee ay 100-300 pesos. Minsan may kasama itong loadwallet na P100. Ang kitaan dito maliit lang kung hindi kayo magdagdag sa bawat denominatin na mabinta nyo. Hindi ito tulad sa traditional retailer. Isang sim lang pwede mo ng gagamitin sa lahat ng uri ng network. Meron magandand networking business din ito kung gusto mong kumita ng malaki kaso kailangan mo ding trabahoin.

4. Coins.ph
Ito ay hindi sa sim dadaan ang loading business mo. Gagamit ito ng internet para makakabinta ng load kahit anong network. Ibig sabihin, allnetwork loading din ito pero internet ang gamit. Wala na itong activation fees. Libre ito pero kailangan mong magsubmit ng iyong ID at proof of billing. Ang kagandahan nito ay malaki ang commission dahil sa ngayon nagbibigay ito ng 10% commission sa lahat ng gumagamit ng services nila. Bukod sa loading business, pwede din sa kanila ang Bills payment.

Kaya kung meron ka sa mga nabanggit sa taas, siguradong kikita ka ng malaki bawat buwan. Hindi rin malaki ang operating expenses ng Eloading business dahil ito'y digital at hindi rin malaki ang babayaran mong tax sa munisipyo at pati sa BIR. Kaya kung wala kapa sa mundo ng Eloading business, pwede mong umpisahan na ngayon.

No comments