Mga Steps kung Paano magsimula ng isang Bakery Business

Share:

Ang isa sa pinakamagandang produkto na ibenta ay ang pagkain. Napakadaming mga Pinoy na na-eenganyong mag-engage sa food industry at sa pagbenta o pagretail ng mga paninda na nakakain. Nature ng mga Pinoy ang hilig sa pagkain.

Madaming negosyo na related sa pagkain. Restaurant o canteen, food cart franchise, panaderya at iba pa. At hindi kaya mabuhay ng masaya ang pinoy kung hindi makakasama sa kanilang diet ang kanin at tinapay. Kaya sa dalawang ito nakasentro ang mga negosyong itinatayo ng mga negosyante sa Pilipinas.

Ang mga sumusunod ay mga steps kung paano makapagtayo ng isang bakery business dito sa Pilipinas:

Unang Step: Alamin maigi ang iyong mga dahilan kung bakit gusting magtayo ng isang bakery business sa Pilipinas.

Mahirap magpatakbo ng bakery na negosyo sa Pilipinas.
Hindi lang pera ang nag-iisang pwedeng maging problema sa pagtatayo ng isang bakery business. Dapat ay mayroon ding sapat na kaalamansa pagpapatakbo ng ganitong klase ng negosyo. Dapat ay may detalyadong kaalaman ka sa pagpapatakbo ng bakery business bago mo simulant ito.

Kug ikaw ay nandiyan lang para sa pera at walang passion, training, at expertise na kailangan para sa pagpapatakbo ng bakery business ay may malaking tsansa na magtapos ito kaagad o hindi magtagal.
Simulan ang bakery business na may purpose o dahilan.

Pangalawang Step: Kumuha ng Baking na courses
Malaki ang pagkakaiba ng pagluluto ng pastries para sa pamilya o mga kaibigan at sa pangmaramihan. Ito ay maaring matutunan sa mga Youtube Tutorials ngunit ang pang maramihan ay napakahirap gawin.

Kahit na kukuha ka ng iyong mga bakers, mainam pa din na ikaw, bilang owner ng negosyo ay marunong magbake ng pangmadamihan. Maraming mga paaralan na nag-ooffer ng mga courses sa pagluluto ng tinapay o baking. Ang ilang mga programs na ito ay may hands-on experiences na ino-offer ng mga negosyo.

Isang buwan na baking experience ay sapat na upang magkaroon ng sapat na skills ang isang owner ng bakery business.

Pangatlong Step: Magperform ng Basic na Marketing Research
Ang isang paraan nito ay ang pagtatanong sa mga tao kung ano ang kanilang mga paboritong  mga tinapay at pag-observe sa kanilang mga pag-uugali.

Mainam din na alamin ang mga competition sa iyong area at ang best na location na dapat pagtayuan ng bakery business.

Pang-apat na Step: Humanap ng best na location
Aanhin mo ang magandang concepto at product kung ang location naman ng iyong negosyo ay hindi mainam o hindi madaling mahanap ng iyong mga target market.

Ang ilang mga best na location para sa mga bakery businesses ay sa tabi ng entrance ng mga residential area na may dalawang libo o mahigit na tao, terminal ng mga public utility vehicles tulad ng jeepneys at tricycle, paaralan, ospital, at palengke.

Pang-ilima na Step:Magdecide kung magfranchise o magtayo ng sariling negosyo
Iresearch sa net ang mga advantage at disadvantage nag pagpapatayo ng sariling negosyo at ikumpara ito sa mga advantage at disadvantage sa pagfranchise ng existing na negosyo.

Pang-anim na step: I-ayos ang mga permits at ilang mga certifications
Mainam na magsecure muna ng mga permits at certifications bago magsimula ng negosyo upang walang maging problema sa batas habang nag-ooperate ang negosyo.

Pang-pito na Step: Magsimula sa maliit
Kapag nagsimula ng isang bakery business, asahan na sa unang taon ay magkakaroon ito ng mga pagkakamali at mga losses. Normal lang ito. Mainam na magsimula muna sa maliit na negosyo at pakonti-konti itong palaguin.

Pang-walo na Step: Bumili ng baking equipment
Bumili ng mga baking equipment na naayon sa budget.

Pang-siyam na Step: Alamin maigi ang iyong ingredients
Mainam na kabisadong kanisado mo ang iyong negosyo. Mahalaga na makahanap ka ng supplier na kayang punan ang mga supply needs ng iyong bakery business.

Pang-sampu na Step: Magpresyo ng product strategically
Ibig sabihin ay dapat sa presyong ilalagay mo para sa iyong produkto ay dapat may kita ka na makuha.

 Wag masyadong babaan ang presyo kung sa tingin mo ay kukulangin ang benta mo para matugunan ang mga gastusin at puhunan para sa negosyo.

Pang-Labing isa na Step: Mag-hire ng mga empleyado
Kapag lumalaki na ang negosyo, mainam na mag-hire ng mga empleyado upang mas mapabilis ang serbisyo sa mga customers at mapadali ang proseso sa paggawa ng mga tinapay.

Pang-Labing dalawa na Step: Alamin kung paano mag-innovate
Kung hindi ka mag-iinnovate, mapang-iiwanan ka sa mga current trends sa industry na pinasok mo. Palaging mag-isip ng bagong idea upang i-aapply sa pagbebenta at pagseserbisyo sa mga customers.

No comments